Thursday

07. July 2005

01_1

A Curtain of Light
Sunday, June 26, 2005

Evening is fast coming. Darkness will come soon. So I drive home to make sure I get there before night falls. Then just 20 minutes before I arrive at my destination, I had to slow down ..... Then I had to stop. I had to experience this beauty. I had to take as much beauty of it as I can. Experiencing it - is priceless. No words can express. Just so Beautiful!
.
.
.
.
.
.
.

02_1
Ako ito - Hindi si Michael V.
Wednesday, June 29, 2005
.
.
.
.
.
.
.

03_2
Cottonwood Trees
Wednesday, June 29, 2005

Cottonwood Trees - the white stuff are seeds floating down. It was a blithesome moment - me standing there - looking up. It was like seeing snow for the first time.
.
.
.
.
.
.
.

04_2
Life is Beautiful
Saturday, July 09, 2005
.
.
.
.
.
.
.

05_2
Photographs & Memories
Sunday, July 10, 2005

That's Wilfred taking a picture of the Girls. And this is me taking a picture of Wilfred taking a picture of the girls. :-) ( ha ha ha ? )
.
.
.
.
.
.
.

06_1

Hello!
Sunday, July 10, 2005

Everyone's saying hello to you! Each of these new friends of mine have a story to tell - but we all have something in common, we miss friends & family & familiar places in the Philippines.
.
.
.
.
.
.
.

07_2

Edgar Lorenzo F. Nievera
Sunday, July 10, 2005

Behind me is the Moyie Lake where a Railway train will pass after this picture's taken. At least ngayon, meron na akong mga kaibigan. Masarap may maka kwentuhan sa sariling wika. Mihirap na ang puro English kung magsalita, natatakot ako na baka sarili kong wika - maglaho. Maging mapurol. Hirap din kasi English nalang ng English araw araw.
.
.
.
.
.
.
.

08_2

A Railway Train
Sunday, July 10, 2005

Trains like these are all around the region. I was told that most of them transport coal all over Canada and Across USA.
.
.
.
.
.
.
.

09_1

Eagles
Sunday, July 10, 2005

I wonder, What do they see?
.
.
.
.
.
.
.

10_2

Elko, BC
Wednesday, July 13, 2005

A wonderful afternoon - enjoying the warmth of the sun on a marvelous trail. Thanks to my friend Ronald Grant Fisher, I am able to see what Elko, BC, Canada is really like up there in the footpaths leading up to the mountains.
.
.
.
.
.
.
.

11_2

Nice boat eh?
Wednesday, July 13, 2005

Kung nasa Canada ka, mapapansin mo, pag nagsalita ang mga tao laging may kasamang "ey" sa dulo ng sentence. Parang tayo kung sinabi nading "Diba?" - "Ang ganda ng hapon. Diba?" sa kanila naman "Ey?" - "it's a beautiful afternoon, eh?" . Pronounced like letter A.

Alam mo, natawa ako sa sarili ko minsan, dahil pagkatapos kong nagsalita, napansin ko pati ako, nag sasabi narin ng "ey!" . Naging conscious ulit ako, kaya ngayon normal nanaman ako mag english, wana na munag "ey?" .

Ala ey! ganito pala sa kanada ey!
.
.
.
.
.
.
.

12_2

Summer Flowers by the Lake
Wednesday, July 13, 2005

Habang naglalakad ako sa trail, Panay ang mga magagandang bulaklak na kusang tumutubo kung saan saan. Parang yung mga "weeds" sa kanila - pero napaka ganda kung scattered all over at ibat ibang kulay - nakaka inspire. Nature is so beautiful. Masarap ang summer.
.
.
.
.
.
.
.

13_1

Fernie, BC
Thursday, July 14, 2005

Fernie, BC is 1 1/2 hours away from Kimberley. I took this picture on a wonderful morning.
.
.
.
.
.
.
.

14_1

Best Friends
Friday, July 15, 2005

When I had time to get away, I went to Cranbrook and got to hang out with Rossini (she's the on in red) and Marivic and her little girl. It was a good afternoon by the park.
.
.
.
.
.
.
.

15_2

Clowns of Kimberley
Saturday, July 16, 2005

This was taken on a Parade in Kimberley on a sunny afternoon. I was on my way to buy milk when I saw a parade was taking place. Glad I had my Camera handy. Nakakatakot tignan ang clown ng matagal. Ewan ko sa inyo - pero para sa akin, na re-remind ako nung book ni Stephen King - "It".
.
.
.
.
.
.
.

16_2

Scateboard Competition
Sunday, July 17, 2005

Nagkaroon ng Scateboard competition kelan lang. Ang dami kong pictures na kinuha, pero pinaka gusto ito. Kasi napaka natural diba. Semplang! Aray kup!
.
.
.
.
.
.
.

17_1

Debbie & Edgar
Wednesday, July 20, 2005

Debbie takes over my work on my Day's off. Debbie is a nice person. She gave me Cookies and slippers to warm my feet on my Birthday last year. Her kindness touched my heart when I was so low. Para sa kanya, siguro isang box lang ng cookies at warm slippers. Pero para sa akin, ito ang pinaka unang birthday present ko sa Canada - just when I was starting from scratch. Hay grabe, that was 9 months ago. Bilis ng panahon ano?
.
.
.
.
.
.
.

18_2

Bagong Hairdo
Thursday, July 21, 2005

Bagong Hairdo, parang weirdo. Sabi Ni Lhea Luna (Taga Baguio din nasa Illinois) "ano nanamang gimmick yan at para kang sinabunutan ng sampung tao?" Ngee! akala ko cool yung hair. hehe. Sabi naman ni Annie Donato "Ay, galing, bagay mo". Hehehe. Pero magpapahaba ako ng buhok pang winter. Malamig sa Canada, kelangan may buhok ka. Di na uso ang kalbo dito. Goodbye Kalbo. Hello long hair!
.
.
.
.
.
.
.

19_1

Little Wonders
Thursday, July 21, 2005

Isang hapon, naisipan ko namang maging turista sa sarili kong lugar, tutal, hindi naman ako gaano lumalabas, kaya naisipan kong pumunta sa Marysville Falls (9 minutes away lang sa bahay). Merong mga nag swi-swimming (Ano! Ang lamig ng tubig no! brrr! parang yelo!). Nakita ko na may potential itong mga "weeds" na ito - kaya tutok ang camera at Click! tada!
.
.
.
.
.
.
.

20_1

Cascading Waters
Thursday, July 21, 2005

Summer's day - The water is supposed to be "good" (Ibig sabihin, hindi gaano malamig). Ewan ko sa kanila pero para sa akin - ngeee lamig!!!!
.
.
.
.
.
.
.

21_2

Afternoon by the lake
Saturday, July 23, 2005

Nakunan ko tong picture na ito sa isang Bird Sanctuary sa Elizabeth Lake sa Cranbrook, BC. Sa Tanda kong ito, Goose ba ito? *blush*
.
.
.
.
.
.
.

22_2

Fernie on a Summer Day
Sunday, July 24, 2005

Ito ang Historic Fernie Strip. Umuupo ako sa isa sa mga benches sa sidewalk. Pinagmamasdan ko ang lugar na ito. Para akong nasa isang dream. Ang mga tao ang gaganda, ang mga shops ang gaganda, ang weather maganda - lahat maganda. Pero heto lang ako. nakaupo - walang makausap. Hmmmp. Bili kaya ako ng I-pod? yun nalang ang kasama ko para naman meron akong soundtrack pag meron akong pinupuntahan? (kaya lang mahal ang i-pod e. wag nalang. pag ipunan ko nalang ang Lasik eye surgery! mas mabuti pa!)
.
.
.
.
.
.
.

23_2

Seven Sisters
Sunday, July 24, 2005

That's what the mountain is called. When i saw this, I took a shot so I could show you. This was taken on a trip headed to Calgary. Ang ganda kamo. Napaka ganda nito na hindi ito gaano pinapansin ng mga tao dito. Sa kanila, "wala lang"
.
.
.
.
.
.
.

24_1

Proud Horse In Front of the Crowsnest Mountain
Sunday, July 24, 2005

I don't recall the name of the mountain - but it sure makes a perfect picture. Parang gusto kong i frame ito. hehehe. Sabi ko sa horse. "hey, would you like to stand up straighter?. ok that's good, now chin-up please!" Oha! Hehee.
.
.
.
.
.
.
.

25_1

Logs - Canada's Treasure
Sunday, July 24, 2005

Ito ang mga nasa likod ko nung kunan ko ang dalawang bundok na nakita ninyo - mga logs. Pinapatuyo nila bago kukunin ng trucks at i-proproseso sa mga Wood Mills. Meron akong mga nakilalang mga tao na mga saw mill workers dito. Malaking kabuhayan ito sa mga Canadians.
.
.
.
.
.
.
.

26_1

Highway to Calgary
Sunday, July 24, 2005

Yehey! Papunta ako ng Calgary para naman makapag relax. Hirap na ang puro trabaho nalang. Sorry hindi ako pwede mag pi-picture habang nagtratrabaho kasi nakakahiya naman sa inaalagaan ko. Imagine mo ba naman, kung ikaw ang patiente na habang hindi ka makagalaw e, pinipicturan ka ng taga alaga mo - nakaka loko isipin diba? hehe. Kaya ayan wala akong pictures ng work. Ethics.
.
.
.
.
.
.
.

27_1

House by the Rolling Hills
Sunday, July 24, 2005

I saw this house from a rest stop on my way to Calgary. Ewan ko kung sino ang swerteng mayaman na nakatira sa mansion na ito. Napaka lawak ng view niya! Grabe endless rolling hills. Puro Green! Parang hindi ako makapaniwala sa lawak ng lugar na ito - tapos walang makitang tao halos. Empty.
.
.
.
.
.
.
.

28_1

Mr. Park Gopher
Sunday, July 24, 2005

Just Call him Ground Hog. Gopher ang tawag sa maliit na ito. Ang Cute cute! Mabait sila sa tao. Ito naman habang naglalakad ako, humihingi ng pagkain, sayang wala akong dalang pagkain. Marami sila, Kung saan saan makikita. Gumagawa sila ng tunnel sa ground at dun nagtatago. Cute!
.
.
.
.
.
.
.

29_1

Rolled up Hays
Sunday, July 24, 2005

Ready, Get set, Go!!!!!!! Common na makita ito over vast farm lands. Meron na silang mga hi-tech machines na nag ro-roll ng mga hays (to form a roll, hindi para mag race). Hindi na uso yung blocks of hays. Parang wala akong maalala na nakitang hay stacks along the way. Puro ganito.
.
.
.
.
.
.
.

30_1

Calgary Morning
Monday, July 25, 2005

Kinunan ko itong picture na ito on a sunny morning. Perfect day ito. Pagkatapos ng ilang buwan na nakatira ako sa isang munting liblib, parang biglang napaka laki na ng Calgary.
.
.
.
.
.
.
.

31_1

Fly Away
Monday, July 25, 2005

9 months ago, isa ako sa mga taong nakasakay sa eropalanong tulad nito. Kelan kaya ulit ako sasakay ng eroplano para naman makabisita sa Pilipinas at makapag biyahe sa iba't Ibang Dako ng Mundo?

Busy ang Calgary Skies dahil merong Airport dito. Puro Landing at Flight all day through. Astig ang City na ito. Buhay na buhay!
.
.
.
.
.
.
.

32_2

A Road Sign for Elderly Pedestrians
Tuesday, July 26, 2005

Natuwa ako nung nakita ko ito sa kalsada. Ang bait naman ng Canadians ano? Wala akong nakitang ganitong road sign sa Pinas. hehe. Cool.
.
.
.
.
.
.
.

33_1

The Calgary Tower
Tuesday, July 26, 2005

Meron palang restaurant sa Taas - kaya naisipan ko na dapat maka kain naman ako dun. Ano kaya ang feeling ng nasa taas? Balita ko meron daw silang VIEWING DECK na glass ang floor! dapat makita ko! Kaya bayad ako ng ticket ($11.50) at sakay na ng elevator. Hmmm. Exciting!

http://www.calgarytower.com/
.
.
.
.
.
.
.

34_1

PICTURE PICTURE!
Tuesday, July 26, 2005

Ayan sabi ni ate Lucille mag lagay daw ako ng picture ko sa album. Ayan o. Pa cute ako sa isang art work hehe. Nakakasawa naman kasi mukha ko kaya hindi ako naglalagay gaano ng pic. Kasi parepareho naman hitsura ko e. hehe.
.
.
.
.
.
.
.

35_1

View from Calgary Tower
Tuesday, July 26, 2005

Heto na ako sa taas ng Calgary Tower. Nasa isang Special Restaurant (pa sosyal kuno - naka shorts at sando naman ako, at pudpod na ang swelas ng sapatos ko sa kakalakad!). Pero gandang ganda akodito. Dapat pala ito ang inuna naming pinuntahan noon nung kasama ko si Mama at si Auntie dito sa Calgary December 28 last year! Sayang hindi namin naranasan together.
.
.
.
.
.
.
.

36_1

The Panorama Dining Room
Tuesday, July 26, 2005

Oha! Sosi kamo! (Ngee - may budget kaya ako para dito?, Sana kasya ang dala ko *lunok*). Oh Waiter! A glass of water please! (hehehe).

Ang sarap mag lunch dito. Grabe. Umiikot ang panorama dining room. It takes 45 minutes for it to make a complete 350 Deg turn. So I had to make sure I stayed there for more than 45 minutes. Enjoy ko ang

Herb and Lemon Marinated Skinless Alberta Grilled Chicken Breast with Summer Mushroom Risotto and Zesty Sun Dried Tomato Vinaigrette. With Matching glass of wine. Sarap! Happy ako!
.
.
.
.
.
.
.

37_1

Hulog ako!!!!
Tuesday, July 26, 2005

Sa Glass View Deck Floor. Tandaan mo itong pic na ito. Kasi mamaya papakita ko naman ang pic nitong kung saan ako nakatayo looking down from the outside. Kanina lang andun ako sa baba, doon sa may red na kotse at dun ako tumitingala - kinukuhanan ko ng pic ang tower, ngayon heto na ako. Dapat pagkababa ko, kunan ko picture where I am now. Nakaka Hilo kamo. Kasi kahit na alam ko'ng safe at hindi ako mahuhulog sa baba, iba parin e, Parang umiikot ang sikmura ko! After a while, nasanay din ako. ayan. Click na picture!
.
.
.
.
.
.
.

38_1

People - Like Ants
Tuesday, July 26, 2005

Pedestrians on an outdoor mall. Kinailangan kong mag zoom para makuha ang shot na ito. Buti nalang maganda Camera ko. Sayang din pag hindi ko ma-share ito sa inyo.
.
.
.
.
.
.
.

39

Zoom in from Below
Tuesday, July 26, 2005

Ayan na! Zoom in ako from below. Yang nakikita ninyong naka usli na section ng tower, yan ang glass view deck. Kani-kanina lang dyan ako nakatayo at kinukuhanan ko naman ang picture pababa. Lakas ng Lens ko ano?
.
.
.
.
.
.
.

40

Calgary Night
Tuesday, July 26, 2005

Gabi na, Bili nalang ako ng Sandwich sa Subway (Yun yung name ng fast food sandwich place). Ito na dinner ko. Eto ako ngayon, nakaupo sa isang bench overlooking the night scene of Calgary (kapal ng Jacket ko, lamiggg). Alas dos na ng hapon sa Pilipinas. Dito mahimbing ng natutulog ang karamihan. *sigh*. Sana kasama ko kayo dito. Iba parin pag kasama mo ang friends & Family. Pero wala akong magagawa kundi mag picture. O At least you see what I see oha?. I will always remember this. Always. It's been a perfect day.
.
.
.
.
.
.
.

41

Ron Looking at Calgary
Wednesday, July 27, 2005

Next day - Heto naman ako sa ibang angle ng Calgary. Perfect spot. Merong river in front at ang busy highway. Yung mama sa Picture, yan ang mabuti kong kaibigan na si Ron. Sya ang nag host nitong Trip kong ito. Kung hindi dahil sa Kanya, hindi ako naka punta ng Calgary para makapag liwaliw. Syempre kanya kanyang bayad parin kami - pero Sasakyan nya ang ginamit namin at baka daw masiraan ang sasakyan ko. Ang swerte ko ano? meron pa akong guide!

Kaya lang malungkot ako ng konti, kasi babalik na ulit ako ng Kimberley at the end of the Day. Trabaho nanaman. *sigh*
.
.
.
.
.
.
.

42

Freedom - I Love you!
Wednesday, July 27, 2005

Ayan - pabalik na ako ng Kimberley sa aking Mahal na mahal na Kotseng Kalawangin. "Freedom" ang tawag ko sa kanya. Minsan nasira ang tambutcho nya! Haaay!! ang ingay! PInagtitinginan ako ng mga tao. Buti nalang naayos na! Super quiet nanaman sya ngayon. Kelangan ko na rin magpalit ng Gulong before winter - ang dami narin namin napuntahan ni Freedom.
.
.
.
.
.
.
.

43

Pinsan ni Mr. Park Gopher - Si Ms. Wasa Gopher
Thursday, July 28, 2005

Pagkabalik ng Kimberley at pagkatapos ng nakakapagod na umaga sa trabaho the next day, Napunta ako ng Lake Wasa para magpalamig sa lake - Summer ang init! Nakita ko nanaman ang munting Gopher na ito. Mukhang maganda ang lighting sa kanya kaya ayan. *Click*
.
.
.
.
.
.
.

44

O ayan, Nasagot na kita nung tinanong mo ako ng "Kamusta?"
Sunday, August 21, 2005

So far, yan muna ang kwento ko for the month of July 2005. Sa wakas natapos ko rin ang album na ito. Nag Umpisa ako noong Aug 21. Aug 24 na nung matapos ko ang mga captions. Oha! Say mo, pinaghirapan ko itong "e-mail" ko para sa iyo, para naman in-touch tayo at updated sa isa't isa. By the end of August I will work on August Album naman. Salamat sa mga texts at e-mails! Please keep in touch ok?

(((((hugs)))

January 26, 2016

Today Ron comes home from his long Vacation. I am so excited for his homecoming that I decided to make an art wall. Lots of meas...